Buhay sa Patay
Isang Pag-aaral sa Hanapbuhay sa Patay
Tuklasin ang mga Danas, Gawi, Paniniwala, at Pamahiin ng mga may naghahanapbuhay sa patay sa Daet, Camarines Norte.
Apat na pangunahing tema ang inilalahad ng pooksapot na ito upang mas maunawaan ang Gawain at danas ng mga naghahanapbuhay sa patay sa Daet, Camarines Norte.
Ang personal na karanasan ng mga taong nabubuhay, nagtatrabaho, at nagbibigay-kahulugan sa espasyong ito na tinatawag na sementeryo. Paano nila nararamdaman ang presensya ng mga yumao?
Basahin pa →Mga kaugalian at ritwal na isinasagawa ng mga pamilya tuwing Undas at sa araw-araw — mula sa pagdidilig ng lupa hanggang sa paglalagay ng pagkain sa ibabaw ng puntod.
Basahin pa →Ang mga relihiyosong paniniwala at espirituwal na koneksyon ng mga Pilipino sa kanilang mga namatay na mahal sa buhay — kasama ang papel ng panalangin at kandila.
Basahin pa →Mga bawal, babala, at kaugnayang-paniniwala na naipasa sa henerasyon — kung ano ang dapat gawin at hindi gawin sa loob ng sementeryo para maiwasan ang masamang kapalaran.
Basahin pa →Hindi lang lugar ng pagdadalamhati ang sementeryo. Para sa maraming Pilipino, ito ay lugar din ng ikinabubuhay. Alamin ang iba't ibang anyo ng kabuhayan na namumukat sa loob at paligid ng sementeryo — mula sa pagbebenta ng bulaklak, at kandila hanggang sa mga manggagawang nagkukumpuni ng mga puntod.
Mga nagbebenta ng kandila
Mga nagbebenta ng bulaklak
Mga gumagawa ng lapida
Paglilinis at pag-aalaga ng puntod
Gumagawa ng ataol o kabaong
Make-up artist ng patay
"Sa ilang pagkakataon, ang kamatayan hindi lamang nagdudulot ng pagluluksa sa pamilya kundi nagiging pagkakataon para sa dagdag kabuhayan ng iba.
— Mula sa mga Mananaliksik